Advertisers

Advertisers

‘SHABU LAB’ SA RIZAL NABUWAG: P10-M DROGA NASAMSAM!

0 385

Advertisers

HALOS P10 million halaga ng samu’t saring iligal na droga ang nasamsam ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG), PDEA NCR at Cainta Municipal Police Station sa operasyon sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.
Arestado sa operasyon ang isang Khrystyn Almario Pimentel, 30, isang curriculum developer sa Quantrics, Taytay, Rizal at residente ng Donya Luisa Village, Ecoland, Davao City.
Sa operasyon nitong Huwebes, nadiskubre ang isang kitchen type clandestine shabu laboratory sa bahay ni Pimentel. Nakuha rito ang nasa P6.8 million na halaga ng shabu; 2,000 piraso party drugs na ecstacy (P3.4 million); at 10 maliliit na pakete ng kalahating kilo ng high grade marijuana (P60,000).
Nabatid ng PDEG na live-in partner si Pimentel ng drug suspect na si Jose Aguilar alyas “Ish” na isang Filipino-American na kaanak umano ni Jason Ivler na pamangkin ng singer-composer na si Freddie Aguilar.
Kilalang drug user si Pimentel simula nang nasa kolehiyo pa.
Sinasabing na-deport sa Pilipinas si Ish Aguilar mula sa Amerika dahil sa iligal na droga at ipinagpatuloy umano nito ang operasyon kasama si Pimentel pagdating sa Pilipinas noong isang taon.
Sa salaysay ni Pimentel, nabanggit na sa kanya ni Ish na nagpapatuloy ang kanyang illegal transaction sa illegal drugs at ang supply ay mula sa iba’t ibang foreign nationals at ilang kaibigang Pinoy.
Tina-transport ng mag live-in partner ang illegal items sa pamamagitan sa isang “Gian” o ng delivery service.
(Gaynor Bonilla/Mark Obleada)