Advertisers
MAHIGIT siyam sa 10 Pilipino ang natatakot na mahawa sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19.
Sa naturang numero, 77% ang lubhang nababahala habang 14% naman ang nagsabing bahagya lamang ang kanilang pagkabahala.
Tatlong porsiyento naman ang hindi halos nababahala, habang 5% ang hindi talaga natatakot na tamaan ng COVID-19.
Mas mataas ang porsiyento na ito ng anim na puntos kumpara sa 85% na naitala sa huling survey, na isinagawa noong Setyembre at apat na puntos na mas mataas kumapara sa record na 87% noong Mayo.
Pinakamaraming nababahalang tamaan ng COVID-19 ay ang mga respondents sa Visayas sa 96%, na sinundan ng Mindanao sa 95%, Balance Luzon sa 89%, at Metro Manila sa 85%. (Josephine Patricio)