Advertisers

Advertisers

Titser lasog nang ‘tumalon’ sa rooftop ng iskul!

0 306

Advertisers

PATAY ang isang guro nang “tumalon” mula sa rooftop ng kanilang paaralan sa Abejuela-Corrales Sts, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang biktima na si Ian Oreg, 35-anyos, residente ng Scions, Kauswagan, Cagayan de Oro City, at guro sa Asia Business Cooperative Academy.
Sinabi ni Police Senior Master Sergeant Robin Galleor, imbestigador ng DVSoria Police Station, bago pa man ang insidente ay napansin na raw ng mga katrabaho ng biktima na kakaiba ang ikinikilos nito.
Nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay sa pinagbagsakan nito nang tumalon mula sa 50 talampakan na gusali.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.