Advertisers

Advertisers

Higit P3M ‘damo’, nasabat sa graduating stude

0 221

Advertisers

Tinatayang mahigit sa P3.4 million na halaga ng marijuana ang nasabat mula sa isang graduating student sa isinagawang buy bust operation sa Naga City.
Kinilala ang suspek na si Brian William De Luna, 23-anyos, residente ng Zone 7, Omicron St. Villa Grande Homes, Brgy. Concepcion Grande sa naturang lungsod.
Ayon kay Police Senior Master Sgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong kasama sa mga Recalibrated Database of Drug Personalities si De Luna.
Dagdag pa ni Bongon, ayon mismo sa suspek ay karamihan sa mga bumibili nito mga estudyante at mga kabataang may mga trabaho na.
Ipinapadala ang nasabi marijuana mula sa hilagang bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang courier.
Nakumpiska sa naturang suspek ang kabuuang 28.5 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P3,420,000.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito.