Advertisers
Nasunog ang isang opisina sa loob ng Manila City Jail sa Sta.Cruz, Maynila Sabado ng madaling araw.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- National Capital Region, isang single storey office lumiyab ang sunog.
Nabatid na mula sa nag-overheat na appliances ang pinagmulan ng sunog sa ground floor ng nasabing opisina na ikuukupahan ng Welfare Dev. Section (BJMP-MCJ).
Nagsimula ang sunog 4:44 ng madaling araw pero naapula din agad makalipas ang 17 minuto.
Tinatayang aabot lamang sa 30,000 ang pinsala sa sunog.(Jocelyn Domenden)