Advertisers

Advertisers

BRGY. CHAIRMAN, 3 PA PATAY SA AMBUSH!

0 438

Advertisers

PATAY ang isang kapitan ng barangay at tatlo pa nang pagbabarilin sa Sitio Bakud, Barangay Banah, Tipo-Tipo sa lalawigang ito Sabado ng hapon.
Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, isa sa mga nasawi ang kapitan ng Barangay Matata, Ungkaya Pukan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Bin Saudi Sarakil, Usop Abdul Majid, Kain Manisan at Ibrahim Abdulkarim.
Sa report, nasa sasakyan ang mga biktima nang tambangan ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.
Iniimbestigahan na ang motibo at pagkakakilanlan ng mga nanambang.