Advertisers

Advertisers

P8.2m ‘kush marijuana’ nasamsam sa NAIA, 2 arestado

0 467

Advertisers

ARESTADO ng mga operatiba ng Port of NAIA-Bureau of Customs (BOC) ang dalawang lalaki na claimants ng mga kargamentong naglalaman ng ‘kush marijuana’ sa isinagawang operasyon sa isang vape shop sa Lipa City, Batangas.
Sa ikinasang joint operations ng Customs- NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ( NAIA-IADITG), nakilala ang dalawang nadakip na sina Van Joshua Magpantay at Johnyengle Hernandez, kapwa ‘claimants’ ng parcel na mayroong laman na kush marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P 8.2 milyon.
Sa ulat, dumating kamakailan ang air parcel mula sa Fedex warehouse na nasa NAIA complex kungsaan ipinadala ng nagngangalang Nina Manuel galing California, USA na idineklarang ‘musical instrument ‘. Naka-consignee ito sa isang Dimitria Escalona ng Batangas.
Hindi dumaan sa x-ray scanning machine ang nasabing kargamento kung kaya’t idinaan ito sa 100% physical examination ng Customs personnel at PDEA.
Ang nasabing shipment ay nakalagay sa dalawang vacuum sealed transparent plastics na naglalaman ng 5129 grams na dried leaves.
Noong January 8, 2021 ay nakasabat ang Port of NAIA ng mahigit isang milyon pisong ‘party drugs’ (ecstacy) mula sa isang bodega ng CMEC na malapit sa pambansang paliparan. (Jojo Sadiwa)