Advertisers

Advertisers

1-K saliva COVID-19 test sinimulan na ng PRC

0 268

Advertisers

BILANG bahagi ng pilot study para sa mas mura at mas madaling testing para sa Covid-19, sinimulan na nitong Lunes, Enero 11, ng Philippine Red Cross ang saliva test ng 1000 samples.
Ayon kay PRC molecular laboratories Chief Paulun Ubial, October 2020 pa nang isagawa ng PRC ang initial test at lumabas na 95 percent ang nakuhang concordance rate sa gold standard na RT-PCR test.
Ipinrisinta naman ito sa Department of Health (DOH) ngunit ngayon lamang umano nagkaroon ng feedback hinggil dito.
Target naman ng PRC na maisumite ang maraming samples sa DOH sa darating na mga linggo.
Nabatid na ang saliva test ay aabot lamang sa presyong P2,000 kumpara sa ibang Covid-19 testing. (Jocelyn Domenden)