Advertisers

Advertisers

9 pulis na sinibak sa serbisyo sa pagpatay sa 4 sundalo sa Jolo pinalaya na

0 337

Advertisers

NAKALABAS na sa Camp Crame ang siyam na pulis na sinibak sa serbisyo nang masangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulo noong Hunyo ng nakaraang taon.
Ito ay dahil walang warrant of arrest na inilabas ang korte laban sa siyam na pulis na nahaharap ngayon sa kasong multiple murder at planting of evidence.
Matatandaang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Debold Sinas, na dahil nasibak na sa serbisyo ang siyam, wala nang hurisdiksyon sa kanila ang PNP.
Hindi aniya kasi nila ito pwedeng i-hold dahil pwede silang mapanagot ng arbitrary detention.
Noong Hunyo ng nakaraang taon habang nagsasagawa ng intelligence at monitoring operations ang apat na sundalo sa Jolo dahil sa presensya ng 2 hinihinalang suicide bombers nang mapatay sila ng mga pulis.