Advertisers

Advertisers

Covid update: 10 gumaling; 11 nasawi; 2,052 bagong kaso

0 202

Advertisers

MULING nakapagtala ng mahigit sa dalawang libong kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Enero 11.
Sa pinakahuling case bulletin ng DOH, nasa 2,052 ang nadagdag sa kaso ng Covid-19 kung saan pumalo na sa kabuuang 489,736.
Bahagyang bumaba naman ang bilang ng naitalang bagong recoveries na mayroon lamang 10 kaya ang kabuuan ng mga gumaling sa sakit ay umabot na sa 458,206.
Habang ang mga pumanaw sa sakit ay nadagdagan ng 11 pa dahilan para maging 9,416 na ang namamatay sa sakit.
Kasalukuyan namang ginagamot sa mga pasilidad ang 22,114 na aktibong mga kaso.
Muling nanguna ang Davao City sa mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 ngayong araw.
Sinundan ito ng Quezon City na may 93 kaso.
Ang Cavite naman ay 87; Laguna, 83; Manila, 67. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)