Advertisers

Advertisers

3 ‘POI’ sa hotel room 2207 sa pagkamatay ni Dacera

0 253

Advertisers

TATLONG occupants ng hotel room 2207 na persons of interests ang nakitang lumabas sa City Garden Hotel bago masawi ang flight attendant na si Christine Dacera.
Pasado 7:00 ng umaga nang pumasok sa elevator ang tatlong persons of interest at sumunod ang ika-apat na suspek.
Sumakay naman ang mga ito sa pulang kotse.
Lumalabas na ibinook ni Dacera at kanyang mga kaibigan ang room 2209 noong Disyembre 30.
Noong December 31, ibinigay din ang room 2207 sa grupo matapos daw mag-request ng isa pang room.
Ang manager ng hotel na si John Paul Halili na kaibigan daw ni Dacera ang nag-ayos sa accommodation.
Una rito, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na tukoy na nila ang mga occupants ng naturang room pero ayaw muna nilang isapubliko ang mga pangalan. (Josephine Patricio)