Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating justice secretary Vitaliano Aguirre ll bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM) ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Si Aguirre ay siyang mangunguna sa pagdidisiplina sa kapulisan at imbestigasyon sa mga iregularidad sa police force.
Sinabi ni Roque na maituturing ang eksperiensya ni Aguirre na “bodes well in his new position to make the police service competent, effective, credible, and responsive to our people’s needs.”
Kung matatandaan si Aguirre ay nagbitiw noong 2018 kasunod ng maraming kontrobersya sa Department of Justice (DOJ), kasama na ang pagbasura ng mga tagausig ng DOJ ng mga akusasyon laban sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at Peter Lim, na ikinagalit ni Duterte. (Vanz Fernandez)