Advertisers
KINUMPIRMA ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nasa priority list sa unang batch ng COVID-19 vaccine sa darating na Pebrero ang mga medical frontliners sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Nograles na siya ring vice chairman ng National Task Force against COVID-19, ang priority list na ito ay bahagi ng template na nakapaloob sa vaccination program ng pamahalaan kung saan by region at sectoral ang gagawing prioritization sa pagbabakuna.
Saad pa ni Sec. Nograles, bagama’t hindi pa napag-uusapan ang detalye ng vaccination program sa Cabinet meeting, plantsado na ito sa ilalim ng task force na pinamumunuan ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Tikom naman ang bibig ni Sec. Nograles kung saang pharmaceutical companies manggagaling ang unang batch ng COVID-19 vaccines na inaasahang darating sa susunod na buwan. (Josephine Patricio)