Advertisers

Advertisers

Ex-Sec. Roxas, Abaya, 20 pa absuelto sa P4.22-B MRT controversy

0 251

Advertisers

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang mga kasong katiwalian laban sa ilang miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa kontrobersyal na maintenance contract para sa Metro Rail Transit (MRT-3 na pinondohan ng P4.23 billion.
Batay sa 49-pahina ng resolusyon, sinabi ng Ombudsman na wala silang nakitang sapat na rason para idiin ang mga dating opisyal kaugnay sa inaakusang kaso ng katiwalian.
Kabilang sa mga inabswelto sa reklamo sina dating Interior Sec. Mar Roxas, dating Transportation Sec. Joseph Emilio Abaya, dating Public Works Sec. Rogelio Singson, dating Defense Sec. Volaire Gazmin, dating Energy Sec. Jericho Petilla at iba pa.
Sa kabuuan, mahigit 20 ang mga personalidad na nakasuhan kaugnay ng naturang isyu.
(Josephine Patricio)