Advertisers
TIMBOG ang isang big-time na tulàk nang kumagat sa buy-bust operation ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at makumpiskahan ng kalahating kilo ng shabu.
Kinilala ang naaresto na si Datun Menalang Saysay na nakuhanan ng higit P3 milyong halaga ng shabu.
Sa ulat, 3:00 ng hapon nang ikasa ang buy bust sa parking lot ng SM Sucat Bldg. A, Brgy. San Dionisio, ng nasabing lungsod.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehesive Drugs Act of 2002.
(Gaynor Bonilla)