Advertisers

Advertisers

Walang ‘monopolyo’ sa pagbili ng COVID-19 vaccines – Palasyo

0 196

Advertisers

PUMALAG ang Malakanyang mula sa akusasyon ng ilang senador na tila kino-kontrol ng national government ang pagbili ng private sector at local government units sa COVID-19 vaccines.
“Hindi natin pinagbabawal, walang monopolya ang national government sa pagbili ng bakuna,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Nakakabili ang mga lokal na pamahalaan ng bakuna, pero ang pamamaraan ay sa pagpasok nila sa tinatawag na multilateral agreement for the advance purchase nitong AstraZeneca.”
Sa pagdinig ng Senate Committee on the Whole nitong Lunes, kinwestyon ng ilang mambabatas ang tila pagharang daw ng gobyerno sa inisyatibo ng pribadong sektor at LGUs.
Hindi kasi pinapayagan ng pamahalaan na hindi dumaan sa national government ang pagbili ng bakuna ng nasabing mga sektor.
“If this is truly a whole-of-nation approach, why not let the private sector, if they are willing to pay to do their own importation, or the (local governments) for that matter?,” ani Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.
“Why not let the private sector, at their own risk—everyone will sign waivers anyway—why not let private hospitals, for example, be able to import for themselves, the brand of vaccine they want, say, the one with the highest efficacy?,” ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson.
Paliwanag ni Sec. Roque, kasama ng LGUs at private ang national government, AstraZeneca at Department of Health sa nabanggit na multilateral agreement.
Sa ilalim nito, mismong mga lokal na pamahalaan at private sector ang gagastos sa pabili ng bakuna. Pati na sa logistics at iba pang pangangailangan.
Ilang LGUs sa Metro Manila at mga rehiyon ang nag-anunsyo na pumirma na sila ng kasunduan sa AstraZeneca para sa kani-kanilang vaccine supply.