Advertisers
ARESTADO ang 7 wanted persons at 20 drug suspects sa manhunt at buy bust operations ng Bulacan Police sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Sa report kinilala ang mga nadakip na wanted na sina Rodrigo Manahan ng Barangay Taal, Pulilan; Lorenz Jacinto ng Brgy, Borol 1st, Balagtas; Eric Diaz ng Brgy. Sampaloc, San Rafael; Joel Canar ng Brgy. Pandayan, Meycauayan City; Tito Baldoza ng Brgy, Bantog, San Miguel; Gail Reyes ng Brgy. Sto Cristo, CSJDM; at Jerom Papa ng Brgy Iba, Meycauayan City.
Habang kinilala ang ilan sa 20 drug-pushers at users na sina Roy Benedicto ng Brgy Lolomboy, Bocaue; Anthony Diaz III ng Brgy San Jose, Paombong; Juliemar Jebone Ferraren; Myrna Billudo ng Brgy. Lambakin; Gerald Peleño ng Brgy. Lias, Marilao; at 15 iba pa.
Nakumpiska sa kanila via buy bust ang 83 plastic sachets ng shabu. (Thony D. Arcenal)