Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
TATLONG taon na ang relasyon nina Aiko Melendez at Jay Khonghun; wala pa ba silang balak magpakasal ngayong 2021?
“Wedding plans? I am not in the position to say anything about that kasi ang pangit kung sa akin manggagaling. Ha! Ha! Ha!”
Marami na ang excited sakaling mauwi na nga sa kasalan ang mahusay na akres at ng Vice-Governor ng Zambales.
Naniniwala ba si Aiko sa New Year’s Resolution? May New Year’s resolution ba siya?
“Actually hindi ako naniniwala sa New Year’s resolution pero nagiging guide ko siya everytime may gusto akong i-achieve.
“So for this year mas magiging grateful ako with what I have.”
Tinanong namin si Aiko kung ano ang expectations niya, career-wise, sa taong 2021?
“Gusto ko for 2021 mag-reinvent ng sarili at roles na gagawin ko so expect the unexpected sa akin sa 2021.”
Kung tungkol naman sa politics? Isang taon na lamang at eleksyon na muli, ano ang plano ni Aiko?
“Elections, I’m not closing any doors to any possibilities and I’m making a change this year,” makahulugang sinabi ni Aiko.
Nakumpleto at natapos ni Aiko ang kanyang tatlong termino bilang konsehala sa 2nd District ng Quezon City noong 2001 hanggang 2010.
Ano naman ang biggest lesson na natutunan ni Aiko sa buhay niya nitong nakalipas na taon?
“Iyan din ang naging greatest lesson ng lahat for 2020, is to be grateful with what you have kasi it doesn’t matter how much money you have kung may sakit ka.
“And it also taught us the lesson when most of us was just stuck home doing nothing but we were just in the company of our family,” pagtatapos pa ng multi-awarded actress.
Ano ang mga maituturing niyang blessings na dumating sa kanya sa taong 2020?
“Ang pinaka-blessing ko sa 2020 was kahit may pandemic God provided and I was also able to share what I have to the less fortunate,” pahayag pa ni Aiko na nakausap namin via Facebook messaging.
May upcoming shows na ba siya sa GMA?
“No shows yet after Prima Donnas but GMA assured me there is one after [Prima Donas].”
Speaking of Prima Donnas, nanalo si Aiko bilang Favorite Kontrabida sa LionhearTV RAWR Awards 2020 noong December 5 ng gabi via a virtual awarding ceremony.
Dahil sa husay ni Aiko bilang Maria Kendra Fajardo-Claveria sa Prima Donnas ng GMA ay tinalo niya sa naturang kategorya sina Kyle Velino (Gameboys The Series); Yam Concepcion (Love Thy Woman); John Arcilla (FPJ’s Ang Probinsyano); Dimples Romana (Kadenang Ginto); Jodi Sta. Maria (Ang Iyo Ay Akin); Martin del Rosario (The Gift) at Sheryl Cruz (Magkaagaw).
***
HINDI dapat palampasin ng viewers ang mga kapana-panabik na mga eksena sa pagbabalik ng hit GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ simula ngayong Lunes (January 18).
Ayon sa lead stars ng serye na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa kanilang new episodes.
Kuwento ni Klea, “Marami silang dapat abangan. Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scenes. Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na seven months pero lahat ng effort at oras namin ay nilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari.”
Dagdag pa ni Jeric, “Ang masasabi ko lang is walang eksenang matatapon dito o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nandito na tayo sa climax ng kuwento kaya dapat abangan nyo. ‘Wag n’yo palampasin.”
Matatandaan na naputol ang kuwento nang nasa panganib ang karakter ni Klea na si Clarisse pati ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Lahat ito ay pakana ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric).
Muling balikan ang maiinit na eksena sa recap ng ‘Magkaagaw’ na mapapanood na simula January 18, 2:30PM, sa GMA Afternoon Prime.