Advertisers

Advertisers

Cayetano bumubuo ng ‘independent majority’

0 266

Advertisers

BUBUO ng sariling grupo sa Kamara si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na magsisilbi bilang ‘independent majority’
Tatawagin naman ang grupong ito na “BTS sa Kongreso” na bubuuin ng pitong miyembro.
Kasama sa grupo ang “solid allies” ng dating Speaker kabilang sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, at Capiz Rep. Fredenil Castro.
Ayon kay Cayetano, mananatili ang suporta ng grupo sa mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte pero magiging kritikal pagdating naman sa pamamalakad ng kasalukuyang liderato na pinamumunuan ngayon ni Speaker Lord Allan Velasco.
Sa darating na Huwebes pormal na ilulunsad at ipapaliwanag ni Cayetano kung paano nabuo ang independent majority. (Henry Padilla)