Advertisers
NADAGDAGAN pa ng 1,453 karagdagang kaso ng covid-19 kung saan umakyat na sa kabuuang bilang na 492,700 ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Enero 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 397 na gumaling at 146 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.0% (24,478) ang aktibong kaso, 93.1% (458,523) na ang gumaling, at 1.97% (9,699) ang namatay.
Ang Quezon City naman ang nanguna ngayon sa may mataas na naitalang kaso na may 95; Cavite,66; Manila, 54; Davao City, 50 at Cebu City, 44. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)