Advertisers

Advertisers

Kamara nag-convene as constituent assembly para sa ChaCha

0 307

Advertisers

SINIMULAN na ng House Committee on Constitutional Amendments ang pagtalakay sa Resolution of Both Houses Number 2 na inihain ni House Speaker Lord Allan Velasco na layong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Ilan sa mga inimbitahang resource persons sina dating NEDA Secretary General Gerardo Sicat at Ernesto Pernia, Dr. Raul Fabella ng UP School of Economics, kinatawan mula sa Ibon Foundation, at Calixto Chikiamco at Gary Olivar ngf Foundation for Economic Reform.
Partikular na itinutulak na amyendahan ay ang Sections 2, 3, 7, 10 at 11 of Article XII (National Patrimony and Economy), Section 4 ng Article XIV (Education, Science and Technology, Arts, Culture and Sports) at Section 11 ng Article XVI (General Provisions) at daragdagan ng katagang ‘unless otherwise provided by law.’
Ang pagdaragdag ng mga katagang ito ay magpapahintulot sa Kongreso na magsabatas ng mga panukala upang paluwagin ang ekonomiya para sa mga dayuhang mamumuhunan at pairalin ang status quo.
Ang pagsisimula namang ito ng komite ay ituturing nang pagsisimula ng Constituent Assembly ayon kay Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., chair ng Komite.
Paliwanag niya, oras na umupo na ang mga mambabatas para talakayin ang ano mang proposal o mismong amyenda sa konstitusyon ay maituturing na itong constituent assembly.
Hindi din aniya dinidikta sa saligang batas kung paano gagawin ng Kongreso ang pagdinig maliban sa nirerequire na 3/4 votes na hiwalay na botohan ng lahat ng mga myembro ng Kongreso sa oras na sumalang ang chacha sa ikatlo at huling pagbasa.
Dagdag pa ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor, vice-chair ng Komite na bagamat ang pagtalakay ngayon sa isinusulong na charter change ay dadaan sa kaparehong proseso ng sa isang oridnaryong panukala, kanila nang ine-exercise ang kanilang constituent power.
Oras na talakayin ng senado ang kanilang bersyon ng Cha-cha ay ganito rin ang kanilang magiging proseso at hiwalay na boboto.
Muli namang binigyang diin ni Garbin na walang political provision lalo na ang usapin ng term extension ang gagalawin. (Henry Padilla)