Advertisers

Advertisers

Lolo kulong sa pang hahalay ng apo

0 307

Advertisers

ARESTADO ang 62-anyos lolo nang ireklamo ng panghahalay ng 16-anyos na apo sa Rosales, Pangasinan.
Sinabi ng pulisya na nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima at magulang nito para ireklamo ang kanilang kaanak na lumapastangan sa dalagita.
Nang puntahan ng mga awtoridad ang lugar, itinuro ng biktima ang kaniyang lolo na itinago sa pangalang “Federico” na ilang beses umanong humalay sa kanya.
Kaagad dinakip at dinala sa himpilan ng pulisya ang matanda na umamin naman sa ginawang pagsasamantala sa apo.
Pero paliwanag ng lolo, hinawakan lang niya ang maseselang bahagi ng katawan ng apo.