Advertisers
HINDI na nagawang makabunot ng kanyang baril ang isang pulis nang saksakin ng lasing na kanyang sinaway dahil sa pagwawala sa kalsada sa bayan ng Merida, Leyte.
Ginagamot ngayon sa Ormoc District Hospital si Cpl Lope Cueva, 32, nakatalaga sa Merida Police Station Tugis; at ang nanaksak ay kinilalang si Benjie Lumbab, 25, ng Brgy. Nadunghulan, Ormoc City.
Sa report, naganap ang insidente Martes ng gabi sa Brgy. Casilda, Merida.
Sakay ang pulis sa kanyang motorsiklo nang madaanan si Lumbab na lango sa alak at nagwawala sa gitna ng kalsada.Huminto ang pulis at sinaway si Lumbab subali’t bigla siya nitong sinaksak sa tiyan.
Matapos ang pananaksak mabilis na tumakas si Lumbab, habang dinala ospital ang pulis para lapatan ng lunas.
Nakuha sa lugar ang 14-pulgadang haba na patalim na ginamit sa pananaksak.