Advertisers

Advertisers

3 sundalo, 1 sibilyan patay sa ambush

0 259

Advertisers

NASAWI ang tatlong sundalo at isang sibilyan nang pagbabarilin habang sakay sa isang tricycle sa Lanao del Norte.
Pangsamantala di muna pinangalan ang 3 sundalong nasawi nakatalaha sa 43rd Mechanized Company 4th Mechanized Infantry Battalion na nakabase sa Tangclao Detachment, Poona Piagapo. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing sibilyan.
Ayon kay Lt Gen Corleto Vinluan Jr., Commander ng WestMincom, 8:45 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa boundary ng Poona Piagapo at Pantaao Ragat, Lanao del Norte.
Papunta ang mga biktima ng palengke upang mamili ng mga supply sakay sa isang motorcycle nang pagsapit sa nasabing lugar ay pinaulanan ng bala ang mga ito ng mga ‘di kilalang salarin
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon sa krimen ang pulisya.
(Mark Obleada)