Advertisers

Advertisers

4 PULIS PROTEKTOR NG SHABU LAB SA OLONGAPO CITY TIMBOG!

0 315

Advertisers

ARESTADO sa buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na pulis at isang sibilyan na umano’y mga protektor ng kitchen type shabu laboratory sa 336-B Sangley Loop, Finback West Kalayaan, Subic Bay Freeport Zone Olongapo City, Zambales.
Kinilala ang mga dinakip na sina Lt. Reynato Basa Jr, Cpl.Gino Dela Cruz, Cpl. Edyser Victor Alipio, at Cpl. Godfrey Ducleyan Parentela na pawang miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Olongapo City Police Station 2; at isang alyas Jericho Dabu, miyembro ng international drug syndicate group.
Sa report, 1:00 ng madaling araw nitong Biyernes, Enero 15, nang isagawa ang buy bust sa nabangit na lugar.
Nakuha sa loob ng bahay ang iba’t ibang gamit sa pagluluto ng illegal na droga, mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu, at finish product ng shabu na nasa 300 gramo.
Nabatid na kayang makagawa ng tatlo hanggang apat na kilo ng shabu ang naturang kitchen type laboratory.
Nasa kostudiya na ng PDEA ang mga naarestong pulis na malamang masibak sa serbisyo at makulong habambuhay.
(Thony D. Arcenal)