Advertisers

Advertisers

78% ng co-passenger ng Pinoy na may UK variant isolated na – DOH

0 209

Advertisers

NASA 78% na sa kasalukuyan ang naka-isolate na mga pasaherong nakasakay pauwi ng Pilipinas ng isang Pinoy na natuklasang infected ng UK variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kabuuang 146 pasahero ang nakontak nila at sa naturang bilang ay 125 na ang naka-isolate na.
Sinabi ng undersecretary na nasa quarantine facilities habang ang iba pa ay naka-home quarantine naman matapos na makatalima sa kinakailangang requirements para dito.
Hinihintay na lamang rin aniya ng mga ito ang resulta ng COVID-19 testing na isinagawa sa kanila.
Sinabi ni Vergeire na sa kabuuan ay 159 ang mga pasaherong nakasabay sa biyahe ng pasyente ngunit ang iba dito ay hindi nila makontak.
Ayon dito ay may nagpapatay ng tawag, mayroong patay ang telepono at ang iba ay maaaring mali ang ibinigay na numero ng telepono.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Vergeire ang mga close contact ng pasyente na makipagtulungan sa mga awtoridad dahil kung tatanggi sila ay maaari silang maparusahan sa ilalim ng Republic Act 1132 at maharap sa parusang multang mula P20,000 hanggang P50,000 o di kaya ay pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan, ngunit hindi hihigit sa anim na buwan, o di kaya ay multa at pagkabilanggo.
Disyembre 27, 2020 nang magtungo ang Pinoy, kasama ang kanyang nobya, sa Dubai para sa isang business trip at bumalik sa bansa noong Enero 7, 2021 at nang sailalim sa pagsusuri ay natuklasang infected ito ng UK variant ng COVID-19 kaya’t kaagad na ini-isolate upang maisailalim sa gamutan.
Nagnegatibo naman sa virus ang kanyang nobya ngunit isinailalim na rin ito sa isolation. (Andi Garcia)