Advertisers

Advertisers

AFP SA 9 PULIS NA PUMATAY SA 4 SUNDALO: ‘SUMUKO NA KAYO!’

0 413

Advertisers

HINIKAYAT ni Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 9 na pulis na sangkot sa pagbaril at pagpatay sa 4 na sundalo sa Jolo, Sulu na sumuko sa mga otoridad matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang hukuman.
Ayon kay MGen. Edgard Arevalo, AFP spokesman, mas makabubuting sumuko ng maayos ang 9 na mga pulis sa mga otoridad at harapin ang kanilang kaso sa korte.
Ani Arevalo, sakaling piliin ng mga akusado na magtago, magkakatuwang ang AFP, Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcemet agency na tugisin at hanapin ang mga ito upang isilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte.
Bagama’t na-delay, sinabi ni Arecalo na natutuwa sila sa pagpapalabas ng warrant ng RTC Branch 3 ng Jolo laban sa 9 na pulis matapos na kakitaan ng ‘probable cause’ sa pagpatay sa 4 na sundalo.
Kaugnay nito, sinabi naman ni BGen. Ildebrandi Usana, PNP Spokesman na umaasa sila na kusang loob na susuko ang mga pulis upang harapin ang kanilang mga kaso sa korte.
“We presume that they are with their families, they will make themselves available in the moment ma-issue po ang warrant of arrest. Subsequently, sila po ay magbibigay ng kanilang posisyon siguro they can also bring with them their lawyers,” ani Usana.
Magugunita na pinalaya ng PNP ang 9 na pulis na sina Senior Master Sergeant Abdelzhimar H Padjiri, Master Sergeant Hanie U. Baddiri, Staff Sergeant Iskandar I. Susulan, Staff Sergeant Ernisar P. Sappal, Corporal Sulki M. Andaki, Patrolman Mohammad Nur E. Pasani, Staff Sergeant Almudzrin M. Hadjaruddin, Patrolman Alkajal J. Mandangan at Patrolman Rajiv G. Putalan.
Ang pagpapalaya ay ginawa ng PNP matapos na tuluyang sibakin sa serbisyo ang 9 na mga pulis at walang warrant of arrest na ipinalalabas ang korte laban sa mga ito. (Mark Obleada)