Advertisers
NANAWAGAN ang Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) sa lokal na pamahalaan ng Cagayan na imbestigahan ang ulat ukol sa iligal na pagmimina sa Cagayan na kontrolado ng mga negosyanteng Intsik.
“Illegal mining and logging have been the default fall guys everytime floods strike, and orders of probe follows,” pahayag ng Pinoy Aksyon na nagsabi pang “soon after, nothing is heard.”
Sinabi pa ng grupo na nais nilang matigil ang masamang gawain dahil may malaking problema na ayaw pag-usapan – ang malakihan at bulto-bultong paghuhukay ng lupa at buhangin upang ipadala sa China at mga kalapit pang bansa tulad ng Hong Kong.
“The question is what has been done? Shall we wait for another disaster to again look into illegal mining and logging?”, ayon kay Pinoy Aksyon chairperson BenCyrus G. Ellorin.
Sinabi rin ni Ellorin na ang pag-i-export ng milyon milyong metro kubiko ng buhangin sa malalaking imprastraktura sa mga kalapit na bansa ang wawasak sa baybaying dagat at dalampasigan bukod pa sa magiging sanhi ng napakataas na presyo ng mga panambak, buhangin, bato at mga kauri nito na magpapabagsak sa pag-angat ng paggawa (construction) sa bansa dulot ng proyekto ng pamahalaang ‘Build Build Build’.
“We call on Cagayan Gov. Manuel Mamba to look into reports of massive black sand mining for export in Claveria town,” saad ng Aksyon Pinoy.
Nanawagan din ang Aksyon Pinoy kay Cagayan 2nd district Rep. Samantha Louise V. Alfonso na nakakasakop sa bayan ng Claveria na imbestigahan at aksyunan ang black sand mining sa kanyang distrito.
Ang Pinoy Aksyon ay isang independyenteng tagapagbantay at “think-tank” na nagtataguyod ng pananagutan sa publiko, pangangalaga sa kapaligiran at totoong demokrasya.