Advertisers

Advertisers

Covid update: 551 gumaling; 137 nasawi; 2,048 bagong kaso

0 274

Advertisers

UMABOT muli sa mahigit dalawang libo ang nadagdag sa bagong kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.
Sa case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong Enero 15, umakyat na sa 496,646 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa dahil sa nadagdag na 2,048.
Samantala ay mayroon namang naitalang 551 na gumaling at 137 na pumanaw.
Nanguna naman ngayon ang Bulacan sa mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 na mayroong 98.
Hindi rin nawawala sa Top 5 ang Davao City na nakapagtala ng 89 kaso ngayong araw.
Napasama na rin ang Pangasinan sa nakapagtala ng mataas na kaso na may 84 habang ang Maynila ay mayroong 80 at 73 sa Leyte.
Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto.Niño, mahigpit na paalala ng DOH na iwasan ang pagiging pabaya at lalo pang paghusayin ang pagsunod sa health protocol upang malayo sa peligro ng hawaan ng virus. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)