Advertisers
TIMBOG ang tinaguriang No. 9 drug personality at apat iba pa sa nadiskubreng drug den sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.
Sa ulat kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang mga nadakip na sina Danilo B. Manaluz alyas Paz, 49-anyos; Resy P. Villegas, 30; Ayan Villegas, 27; Jaymart Villegas, 25; at Jeffrey V Ocampo, 29.
Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA3) at Philippine National Police ang buy-bust operation nitong Huwebes sa Purok 4, Brgy Bulihan, San Antonio.
Nasamsam sa mga suspek ang 6 transparent sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P143,616. Nasamsam din ang mga drug paraphernalia at buy-bust money.