Advertisers

Advertisers

Mayor Sara D. ‘di tatakbong pangulo – Pres. Du30

0 263

Advertisers

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo bilang presidente ang kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project, na binalaan niya ang kaniyang anak ukol sa pagtakbo sa pagka-Pangulo.
“My daughter, inuudyok man nila. Sabi ko, my daughter is not running,” pahayag ng nakatatandaang Duterte.
Pahayag ni Pangulong Duterte, naaawa siya sa maaaring pagdaanan ng kaniyang anak kung sakaling maging pangulo ng bansa.
“I have told Inday not to run because naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko,” ani Duterte.
“Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging gago ka dito. So ‘yun ang… that is the sad story,” dagdag pa nito. (Vanz Fernandez)