Advertisers

Advertisers

Minimum health protocols paiigtingin ng MPD sa magtutungo sa Sto. Niño Church

0 309

Advertisers

PAIIGTINGIN pa ng Manila Police District (MPD) ang pagpapatupad sa minimum health protocols partikular sa mga debotong magtutungo sa Sto. Niño Church bilang bahagi ng paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa kapistahan nh Sto.Niño de Tondo at Pandacan.
Isa sa ginawang paghahanda ng kapulisan ang paglalagay ng marka sa paligid ng Sto. Niño Church sa Tondo para sa mga deboto na makikiisa sa banal na misa bilang selebrasyon ng nasabing Kapistahan.
Pinangunahan ang naturang hakbang ng mga tauhan ng MPD-Dagupan Outpost sa pamumuno ni SMS Gerardo Tubera katuwang ang Divisoria Rider’s Club.
Nasa 3,390 circle markings ang inilagay sa paligid ng Tondo Church kungsaan nagtalaga rin ang pulisya ng dalawang entrance at tatlong exit points sa mismong araw ng kapistahan.
Ayon kay MPD-Station 2 Commander, Lt.Col Magno Gallora Jr., ginawa ang pavements marking upang mapanatili ang physical distancing ng mga deboto na magsisimba sa Tondo Church.
Pinaalalahanan ni Tubera ang mga deboto na magtutungo sa simbahan na magsuot ng face mask at faceshield at panatilihin ang physical distancing para maiwasang mahawaan ng virus lalo na ngayong nakapasok sa bansa ang bagong variant ng nasabing sakit. (Jocelyn Domenden)