Advertisers
Cauayan City – Hindi nakaligtas sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang retiradong pulis dahil sa pagpupuslit nito ng iligal na mga pinutol na puno sa Sitio Magoli, Barangay Antagan, Tumauini, Isabela.
Nakilala ang dinakip na si Rolando Castillo, 54 anyos, retiradong sarhento ng PNP Tumauini, at residente ng Brgy. Anao, Cabagan.
Nakatakas naman ang kasama ni Castillo na si Randy Estioko Peduca, nasa wastong gulang, ng Antagan 1st, Tumauini.
Si Castillo ay inaresto ng pinagsanib na pwersa para sa anti-illegal logging operation ng mga kasapi ng PNP Tumauini, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, DENR Cabagan at mga opisyal ng barangay.
Nasabat sa Sitio Magoli ang minamanehong Elf Truck ni Castillo na may plakang UHK545 na naglalaman ng tinatayang mahigit 300 boardfeet ng Gmelina flitches at 30 sako ng uling.
Nang sitahin ang dating pulis ay wala itong maipakitang mga kaukulang dokumento kung kaya’t tuluyan itong inaresto at kinumpiska ang mga nilagaring kahoy kasama ang kanyang sasakyan.
Mahaharap sa kasong PD 705 o ang retiradong pulis. (REY VELASCO)