Advertisers

Advertisers

Sinovac mas mababa pa sa 50% ang efficacy rate – Sen. Lacson

0 292

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Sen. Panfilo Lacson na hindi nila pinag-iinitan ang Chinese Covid-19 vaccine na Sinovac.
Pero hindi umano niya maisasantabi ang lumabas na resulta ng pag-aaral sa Brazil na hindi pala umabot sa 50% ang talagang efficacy rate nito.
Nababahala ang mga senador dahil ang mas mababa sa 50 porsyento ay hindi pasok sa standard ng World Health Organization (WHO).
Sa panig naman ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo, sinabi nitong nasa initial trial pa lang sila sa Sinovac.
Kung hindi aniya papasa hanggang sa 3rd phase, posibleng hindi na ito bigyan ng “go signal” ng FDA.