Advertisers

Advertisers

Adik na anak pinatay ni Daddy

0 345

Advertisers

Binaril ng isang lalaki ang sarili nitong anak na ayaw paawat sa bisyong droga nang magkaroon ng mainitang pagtatalo nitong Sabado ng umaga sa Aklan.
Kinilala ang biktimang si John Vincent Manalo, 42; habang nadakip naman ang ama nitong si Eduardo ‘Boy’ Manalo, kapwa residente ng Brgy. Andagao, Kalibo.
Sa report ng Kalibo-PNP, 7:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa tahanan ng mag-amang Manalo.
Ayon sa ulat, bago ang insidente nagkaroon ng pagtatalo ang mag-aama na nauwi sa pamamaril ng matandang Manalo.
Nabatid na lulong sa ipinagbabawal na droga ang biktima na siyang madalas na pinag-aawayan ng mag-ama.