Advertisers
ITO ang pahayag ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa Senate Committee of the Whole hearing hinggil sa COVID-19 National Vaccine Roadmap.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na hindi pa tapos ang laban sa COVID-19 kung saan nag-iisa ang sandata para tuluyan itong matuldukan, ito ay ang COVID-19 vaccine na magiging susi sa recovery ng bansa.
Sinabi ni Go na napakalaking bagay ang roadmap at tamang implementasyon nito.
Giit ni Go, sa tingin niya ay nagkukulang ang gobyerno ngayon sa information dissemination campaigns o awareness information plan hindi lang para matiyak ang kooperasyon ng sambayanan kundi para mapanatag din ang mga mamamayan na bibigyan sila ng gobyerno ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Go, hindi sapat na sabihin lang sa taumbayan na darating na ang bakuna sa susunod na buwan dahil mahalagang maunawaan nila ang vaccination plan ng gobyerno.
Dagdag pa ni Go na dapat matiyak na oras na makarating sa bansa ang bakuna ay makarating din ito sa mga kadulu-duluhang parte ng bansa para matiyak na mabakunahan ang mga mahihirap.
Ibinunyag ni Go na sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay napag-alaman niyang marami ang hindi nakakaintindi at hindi alam kung saan kukuha o bibili ng bakuna at kung libre ba itong ibibigay sa kanila.
Pinatitiyak naman ni Go na hindi na maranasan ang mga isyu sa master list noong ipinatupad ang unang tranche ng Social Amelioration Program kasunod ng hakbang ng mga local government units na tutukuyin ang mga priority individuals habang ang national government naman ang magba-validate sa listahan
Pinalilinaw din ni Go ang mga maling balita kung gusto ng gobyerno na magkaroon ng tiwala ang mga tao sa bakuna. (Mylene Alfonso)