Advertisers
Pinatay ang isang kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng walong hindi pa kilalang salarin sa lungsod ng Danao city.
Kinilala ang biktima na si JO2 Reymond Roble Vasquez, 34, residente ng Barangay Cogon Cruz, ng nasabing lungsod.
Sa report, 10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap mismo ng tanggapan ng BJMP sa Sitio Sta. Cruz, Barangay Dunggo-an, Danao.
Ayon sa report, naka-duty ang biktima nang dumating ang walong armadong salarin na sakay ng motorsiklo.
Saktong pagbukas ng gate ni Vasquez, walang sabi-sabing pinaulanan ito ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.
Matapos ang pamamaslang mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.
Nabatid na dating inaresto ang biktima sa kasong iligal na droga noong 2015 at sumailalim ito sa rehabilitasyon hanggang sa nakabalik sa serbisyo.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para malaman ang motibo sa krimen.