Advertisers

Advertisers

“SA MAYNILA, PWEDE KANG MAGING CHOOSY” – ISKO

Kung gusto o ayaw mo ng bakuna:

0 303

Advertisers

“SA MAYNILA pwede kang maging choosy.”

Ito ang biro ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente ng kabisera ng bansa na maaari silang pumili kung gusto o ayaw nilang mabakunahan at idinagdag pa ng alkalde na wala namang batas na nag-oobliga na mabakunahan ang lahat. Ito ay ibibigay lamang ng pamahalaang lokal sa lahat lamang ng may gusto o boluntaryong magpapabakuna.

Nanawagan din ang alkalde sa lahat ng gustong magpabakuna na magrehistro online. Pero niliwanag din ni Moreno na ang mga hindi nakapagrehistro ay maaari pa rin na makapagpabakuna sa pamamagitan ng walk-ins.



Ipinaliwanag din ni Moreno na ang mga gustong magpabuna na hindi nakapagrehistro online ay gugugol ng oras dahil kailangan pa silang interviewhin at kunan ng mga kailangang impormasyon, hindi tulad ng mga nagrehistro online na nakapagbigay na ng kailangang detalye.

“Ang goal kasi namin para sa bawat isang nakapagpa-register, five minutes lang tapos na siya. Bakunado na and updated na ang data, kaya hinihikayat namin ang pre-registration. Ang non-registrants pwede din kaso tatagal dahil tatanungin pa.” sabi ni Moreno.

Napagalaman na base sa mga napag-usapang plano nila ni Vice Mayor Honey Lacuna, ang mass vaccination ay gagawin sa mga eskwelahan upang mas marami ang mabakunahan

Kapag natapos ng bakunahan ang isang tao ay ilalagay siya sa isang lugar kung saan siya oobserbahan kung mayroong reaksyon ang bakuna sa kanya. Naroon din ang mga medical professionals at ambulance na naka-standby.

Tiniyak ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay hindi gagamit ng bakuna na hindi duly certified ng Food and Drugs Administration (FDA) bilang ligtas at epektibo.



Ang Maynila ang kaunahang lungsod na lumagda sa Astra Zeneca para sa pagkuha ng 800,000 doses ng anti-COVID vaccines.

Ayon pa sa alkalde, ang pamahalaang lokal sa tulong ng city council sa pamumuno ni Vice Mayor at presiding officer Lacuna at majority floorleader Joel Chua, ay nagawang makapaglaan ng initial budget na P200 million na maari pang umabot sa P1 billion kapag nagkataon. (ANDI GARCIA)