Advertisers

Advertisers

Bong Go: Nagsasamantala sa gitna ng crisis, i-lethal injection

0 236

Advertisers

NAIS ni Sen. Bong Go na unang maturukan ng bakuna pero hindi kontra sa COVID-19 kundi ng lethal injection ang mga taong nagpapakalat ng impormasyon at nagsasamantala sa ating mga kababayan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa sa pandemya.

“’Yung mga nangsasamantala dyan habang naghihirap na nga ang kapwa nating Pilipino, dapat kayo unang ma-inject,” ang pahayag ni Go.

Sinabi ni Go na susuportahan niya ang panukala na magpaparusa sa mga indibidwal na nagpapakalat ng mga maling impormasyon at nagsasamantala sa vulnerabilities ng Filipino sa kasalukuyang COVID-19 pandemic.



“Kung walang katapusan ang pagdududa, as legislators, why don’t we legislate a law against those who are taking advantage of the situation, especially now that we are in a pandemic,” ayon sa senador.

Idinahilan ang maselang isyu kung saan ay maraming buhay ang nakataya, sinabi ni Go na ang mga taong nagsasamantala sa kapwa Filipino sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon ay dapat mapatawan ng mabigat na parusa o death penalty.

“Ikulong o isama sa death penalty – mauna sila na ma-injection — (through) lethal injection. This is a very delicate subject matter, in fairness to all those working hard, such as Sec. Galvez and Sec. Duque who are working 24/7 and are even willing to vaccinate themselves to allay fears,” ani Go.

“If we do not adhere to health measures to protect each other, if we continue to nitpick and create controversy where there is none, if we do not communicate with all Filipinos our plan, this pandemic will never end,” anang mambabatas.

“Bukod sa COVID-19, nakakamatay din ang maling balita. Kung gusto talaga natin na magkaroon ng kumpiyansa ang tao sa bakuna, kailangan nilang maintindihan kung ano ito at ano ang plano ng gobyerno ukol dito. Linawin natin ang mga isyu tungkol sa mga binibiling bakuna ng gobyerno,” aniya pa.



Sinabi niya na ang bawat ay isa dapat maging bahagi ng solusyon kaya kinakailangang maging responsable kung nais nating makabangon mula sa pandemya.

“Wala pong pinipili ang pandemyang ito. Kakaikot ko po, napapansin ko po sa publiko — dapat kunin natin ang kumpiyansa ng taumbayan. Lahat tayo, apektado nito, lalaki man o babae, bata man o matanda, mayaman man o mahirap, anumang relihiyon, anuman ang inyong pulitika, saan ka man sa Pilipinas, talagang tinamaan po tayo sa pandemyang ito,” dagdag ni Go. (PFT Team)