Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 2,163 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Enero 18.
Samantala ay mayroon namang naitalang 2 na gumaling at 14 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (26,839) ang aktibong kaso, 92.7% (465,988) na ang gumaling, at 1.97% (9,909) ang namatay.
Ang mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na bilang ng kaso ngayong araw ay ang Davao City, 134; Cagayan,100; Quezon City, 99; Leyte, 93 at Cavite na may 75 na kaso.
Ayon sa DOH, mayroong 4 na dupicates na inalis sa total case counts kung saan dalawa rito ang recovered cases.
Bukod dito, 3 kaso ang na-tag na recovered cases ang na-reclassified bilang deaths matapos ang isinagawang final validation.
Samantala, mayroon pa ring 4 na Covid-19 licensed laborartories na bigong makapagsumite ng kanilang data sa Covid-19 Data Repository System o CDRS nitong Enero 17. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)