Advertisers
NAKALIGTAS sa pananambang ang 2 kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang mga tinambangan na sina Engineer Eva Bedonia, head ng quality assurance ng DPWH-Iloilo 4th District Engineering Office; at drayber na si Rogelio Serilo Jr.
Papasok na sa opisina sina Bedonia at Serilo nang pagbabarilin ang kanilang pick-up ng riding in tandem criminals.
Sa report, may limang tama ng bala ang sasakyan sa passenger side kungsaan nakaupo si Bedonia.
Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Barbara Police Station, posibleng si Bedonia ang target ng pananambang.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.