Advertisers
Para sa mamamayan, tuloy ang mga kinakailangan na tulong. Ito ang naging pahayag kahapon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ng tanungin ng ilang reporters kung ano ang sunod na proyekto nito. “Nakatutok po tayo ngayon sa patuloy na pag-agapay sa ating mga kababayan na lubos na-apektuhan ng pandemya. Inaalam po natin sa kasalukuyan kung meron pa bang hindi nahatidan ng tulong sa 54 Barangays sa unang distrito ng Lungsod ng Davao,” pahayag ng mambabatas.