Advertisers

Advertisers

Bong Go: Magtiwala sa gobyerno ukol sa bakuna

0 210

Advertisers

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na magtiwala lang sa gobyerno ukol sa pagbili at pagtuturok ng sapat, ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng bansa.

“First of all, I wish to commend my colleagues for our collective effort to help the government and our people in overcoming the ongoing COVID-19 crisis. This is a testament that through our bayanihan efforts, we can recover as one,” ani Go.

Kaugnay nito’y muling hiniling ni Go kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na maayos na ipaliwanag sa Filipino ang national vaccine roadmap upang maialis ang takot ng publiko at mapalitan ng kumpyansa sa bakuna.



“I urge Vaccine Czar Secretary Galvez to explain the process further without compromising ongoing efforts to procure and administer as many vaccines as needed for our people. And out of transparency, maybe we can ask him if he can disclose the prices at the appropriate time to allay any doubts of the public, not only of Sinovac, but of all vaccines,” sabi ng senador.

Idiniin ni Go na kumpyansa at nagtitiwala siya kay Galvez, sa pagsasabing “vaccine czar will always uphold the interest of the Filipino people when negotiating for our vaccines.”

“After all, these procurements by the national government are done through multi-lateral agreements with fund managers, such as the Asian Development Bank and World Bank,” giit ng mambabatas.

Ipinaliwanag ni Go na tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang national vaccination program – mula sa approval at paggulong ng implementasyon – ay ligtas, sigurado at hindi magbabago.

“Magtiwala po tayo sa ating gobyerno. I am personally aware na bago pa man nagsimula sa social media ang mga kuro-kuro at haka-haka, masusi na po ang pagtrabaho ng mga opisyal ng ating pamahalaan to get the best for our country and for every Filipino,” anang senador.



“Para kay Pangulong Duterte, ang kalusugan at kaligtasan ng bawat Pilipino ay nasa sentro ng programa natin. Ito ang responsibilidad na ginagampanan natin palagi. Our officials will be measured by their adherence to the President’s guidance,” idinagdag niya.

Hinggil naman sa paglalabas ng presyo ng bakuna, nilinaw niya na ang mga government officials na humahawak ng negosasyon ay sumusunod sa Non-Disclosure Agreements sa lahat ng pharmaceutical companies na gumagawa nito.

“Intindihin po natin na ginagawa ng gobyerno ang lahat para makakuha ng sapat na supply ng ligtas at epektibong mga bakuna. May sinusunod rin tayong mga patakaran at proseso sa negosasyon at kasama na diyan ang mga Non-Disclosure Agreements with pharmaceutical companies,” ani Go.

Ipinatitiyak din niya sa mga concerned agencies na siguraduhin na bawat piso ng pondo ng bayan ay hindi nasasayang, lalo na sa panahon ng krisis.

Dapat ding tiyakin aniya na makakabenepisyo ito sa lahat kung kaya patuloy ang paalala na unahin dapat ang mga mahihirap, mga bahagi ng vulnerable sectors, at mga frontliners, lalo na sa mga malalayong lugar na hindi alam kung ano itong vaccine at saan ito kukunin.

“Ang importante po, sana ay maumpisahan na po ang roll out at maturukan na po ang mga Pilipino ng safe na vaccine. Mas lalong matatagalan ito dahil merong pagdududa. Kawawa naman po ang ating frontliners. Kawawa naman po ang mga mahihirap nating kababayan, sila po ang apektado dito kung lalong matatagalan pa.”

“Magtulungan na lang po tayo. Magbayanihan na lang tayo, mga kapatid kong Pilipino. Magtulungan na lang po tayo,” ipinunto ng mambabatas. (PFT Team)