Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng karagdagan pang 1,357 na bagong kaso kung saan umakyat na ang kabuuang bilang sa 504,084 nitong Martes, Enero 19.
Samantala ay mayroon namang naitalang 324 na gumaling at 69 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.5% (27,857) ang aktibong kaso, 92.5% (466,249) na ang gumaling, at 1.98% (9,978) ang namatay.
Nangunguna pa rin ang Davao City sa may mataas na naitalang bilang ng kaso ngayong araw na mayroong 130 kaso.
Sinundan ito ng Rizal na sakop ng CALABARZON na nakapagtala ng 71 kaso, 66 sa Quezon City, 54 sa Pampanga at 52 sa Benguet.
Ayon sa DOH, ang muling pagbaba ng numero ng mga naitalang mga kaso ngayong araw ay dahil nadagdagan naman ang bilang ng non-operating laboratories nitong weekened.
Patuloy naman minomonitor ng DOH ang sitwasyon ng testing upang makita ang inaasahan o posibleng post-holiday surge. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)