Advertisers

Advertisers

13 close contacts ng UK variant case nagpositibo sa COVID-19

0 222

Advertisers

UMABOT na sa 13 katao na naging closed contacts ng lalaking unang kaso ng UK variant ng coronavirus disease COVID-19 sa Pilipinas, ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga nagpositibo ay ang nobya ng 29-anyos na lalaki, matapos ang re-swabbing sa kanya, gayundin ang nanay ng lalaki.
Ayon kay Vergeire, kasama rin sa nagpositibo sa COVID-19 ang 11 sa 159 na pasahero ng EK 332 ng Emirates Flight, na dumating noong January 7, at nakasama sa eroplano ng pasyente.
Mayroon ding isang pasyente na napag-alaman na dati nang nagkaroon ng COVID-19 o recovering patient.
Binanggit ni Vergeire na ang samples ng mga nabanggit ay dinala na sa Philippine Genome Center (PGC) para masuri.
Gayunman, sa sitwasyon ng swab test sa nanay ng lalaki ay aabot sa 30 ang CT value at hindi tiyak kung tatanggapin ng PGC.
Nalaman na ang lalaki na unang kaso ng UK variant ng COVID-19 ay nasa stable nang kondisyon at malapit nang matapos ang isolation period.
Sinabi pa ni Vergeire na mula sa anim na close contact ng lalaki na hindi pa nakakausap, may dalawa na umanong nahanap. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)