Advertisers

Advertisers

Covid update: 765 gumaling; 64 nasawi; 1,862 bagong kaso

0 388

Advertisers

MULING nakapagtala ng 1,862 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Enero 20.
Samantala ay mayroon namang naitalang 765 na gumaling at 64 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (28,904) ang aktibong kaso, 92.3% (466,993) na ang gumaling, at 1.98% (10,042) ang namatay.
Mataas naman ang naitalang kaso ng Covid-19 sa Zamboanga City na nakapagtala ng 206 sa isang araw.
Sinundan ng Davao City na mayroong 109; Kalinga, 102; Quezon City 77 at Benguet, 74.
Samantala, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa media forum ng DOH ngayong Miyerkules na binabantayan na at patuloy na minomonitor ang CAR region dahil sa pagtaas ng mga kaso sa nasabing mga lugar tulad ng Benguet, Kalinga. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)