Advertisers
DINAKIP ng mga elememto ng Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP – ACG) ang illegal recruiter sa entrapment operation sa Novaliches, Quezon City.
Kinilala ang naaresto na si Mary Grace Abellado Rebulado, 32, ng Novaliches.
Ang entrapment ay isinagawa base sa reklamo ni Jesica Mariano Tolentino, 33, ng Tarlac laban kay Abelledo 4:00 ng hapon sa Governor St., Menrey Subdivision, Novaliches,
Nabatid na nagbigay ng P35,000.00 ang biktima sa suspek para sa kanyang visa at placement fee para sa trabaho sa abroad sa pamamagitan ng online recruitment agency na Internationall Adventure Travel Service noong Feb 2020.
Sa kabila ng mga pangangko ay nabigo ang suspek na mapaalis ang biktima kayat humingi na ito ng tulong sa mga otoridad.
Ang suspek ay sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng mga kasong Estafa at paglabag sa Anti Cybercrime law. (Mark Obleada/Boy Celario)