Advertisers

Advertisers

18 UP students napatay sa mga bakbakan ng NPA at militar

0 303

Advertisers

IBINUNYAG ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief, General Gilbert Gapay, na marami nang estud-yante ng University of the Philippines na sumapi sa New People’s Army ang napatay sa mga engkwentro sa mga nakalipas na taon.
Sinabi ito ni Gapay sa kanyang pahayag na nagbibigay suporta sa desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pagbasura sa kasunduan ng UP at Department of National Defense na binuo noong 1989.
Ayon kay Gapay, base sa AFP records ay nasa 18 UP students na sumapi sa NPA ang napatay dahil sa pakikipagbakbakan sa pwersa ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Gapay na hindi sila pwedeng magpatali sa isang kasunduan na nagdidikta sa kanila na dapat muna silang magpaalam bago makapasok sa UP campuses para magsilbi ng warrants mula sa korte.
Kumpiyansa ang Heneral na sa pamamagitan ng pagpasawalang-bisa sa kasunduan ay magkakaroon ang militar ng panibagong oportunidad na isulong ang mas matibay na relasyon kasama ang UP at ang iba pang unibersidad.
Ito rin aniya magsisilbing gabay para sa rebirth ng mga unibersidad at state universities bilang bastions of “genuine patriotism” at hindi ng “misguided activism.”
Samantala, iginiit ni Gapay na tanging ang UP ang nakikinabang sa mga pribiliheyo sa ilalim ng napawalang-bisa na kasunduan.
Labag aniya ito sa ‘Equal Protection Clause’ sa ilalim ng Konstitusyon at wala naman substantial distinction sa pagitan ng UP at ng iba pang paaralan, state colleges at universities.