Advertisers
UMABOT pa sa 1,783 bagong kaso ang nadagdag sa kumpirmadong Covid-19 case sa bansa ayon sa Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Enero 21.
Sa kabuuan umabot na sa 507,717 ang tinatamaan ng sakit habang nasa 30,126 na ang aktibong kaso kung saan kasalukuyang mga nagpapagaling sa mga treatment facility at ospital sa bansa.
Nakapagtala naman ng 500 recoveries kaya umabot na sa 467,475 ang kabuuang gumagaling sa sakit.
Habang 74 ang bagong naitalang mga pumanaw sanhi para sumampa na sa 10,116 ang namamatay sa Covid-19 sa Pilipinas.
Sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ng sakit ngayong araw ay ang Quezon City na mayroong 99; Rizal, 83; Manila,78; Bulacan, 69 at Cavite, 66.
Sa gitna ng kaliwa’t kanang balita ukol sa bakuna, sinabi ng DOH na ating responsibilidad sa pagbabahagi ng wastong impormasyon at wastong pagsunod sa health protocol upang malabanan ang Covid-19. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)