Advertisers
PATAY sa pamamaril ang isang kawani ng lokal na pamahalaan ng Sibalom, Antique nitong Huwebes ng umaga.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan si Vernel Mondreal, 22 anyos, administrative staff ng Sibalom Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa ulat, pinagbabaril ng 2 lalaking nakamotorsiklo ang biktima sa Barangay Igdalaguit ng naturang bayan.
Napag-alaman na mag-iisang taon nang nagtatrabaho si Mondreal sa Sibalom MDRRMO.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.